Davao del Sur – Tinatayang Php27.6 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat sa isang suspek sa buy-bust ng mga operatiba ng Davao del Sur nito lamang Huwebes, Marso 24, 2022.
Kinilala ni PLtCol Hamlet Lerios, Chief ng Regional Special Operation Group-Regional Police Drug Enforcement Unit 11/COP, Digos CPS ang suspek na si Tapsaren Alibasa 47, residente ng Aplaya, Hagonoy, Davao del Sur.
Ayon kay PLtCol Lerios, nahuli si Alibasa sa nasabing lugar ng pinagsamang tauhan ng RSOG-RPDEU 11, Regional Intel Division (RID) at Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs (BOC).
Nahuli ang suspek habang aktuwal na nagbebenta ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa awtoridad na nagpanggap bilang poseur-buyer.
Ayon pa kay PLtCol Lerios, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska sa 690 na kahon na naglalaman ng iba’t ibang brand ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php27,600,000.
Dagdag pa ni PLtCol Lerios, nakuha rin mula sa suspek ang isang 9mm Armscor pistol na may magazine na naglalaman ng pitong 9mm live ammunition, isang Caliber .45 na may magazine na naglalaman ng tatlong .45 live ammunition, dalawang magazine na naglalaman ng limang bala bawat isa, at 15 piraso ng 9mm na bala.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1937 (Tariff), RA 108639 (Customs and Tariff Code/Administration), RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines), RA 7394 (Consumer Act of the Philippines), RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Article 189 ng Revised Penal Code (Unfair competition, fraudulent registration of trademark, tradename or service mark, fraudulent designation of origin, and false description).
Hindi naman titigil ang kapulisan ng Police Regional Office 11 hangga’t may mga gumagawa ng ilegal sa rehiyon at sisiguraduhing pananagutin ang mga may sala sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara
Congrats sa mga pulis nahuli yan mga yan