Legazpi City, Albay – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa anim na naarestong suspek sa isang drug den sa buy-bust ng mga pulisya ng Albay noong Huwebes, Marso 24, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Byron Tabernilla, Provincial Director, Albay Police Provincial Office, ang mga suspek na sina Joseph Estipona, Drug Den Maintainer; Jasmine Visilia, Empleyado/Maintainer; habang sina Mark Kenneth Loremia, Henry Imperial, Jeffrey Villanueva, at alyas Gregorio Estipona, ay pawang mga Drug Den Visitor.
Ayon kay Police Colonel Tabernilla, dakong 2:30 ng hapon naaresto ang anim na suspek sa Purok 2, Barangay Pigcale, Legazpi City, Albay ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Albay Provincial Office, PDEA Regional Office V Regional Special Enforcement, PDEA Camarines Norte Provincial Office, PDEA Regional Office V K-9 Unit, Provincial Intelligence Unit Albay at Legazpi City Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Tabernilla, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000, dalawang unit ng cellphone na kulay itim at pula at iba pang non-drug items at buy-bust money.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang ating kapulisan ay walang tigil sa pagsugpo at paghuli sa mga gumagamit at pagbebenta ng ilegal na droga para sa ikakaayos at ikakatahimik ng ating bansa.
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao
Great work thanks PNP