Isabela – Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Milisyang Bayan (NPSRL) sa mga kapulisan ng Isabela nitong Miyerkules, ika-23 ng Marso, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jeffrey Raposas, Force Commander, 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, ang dalawang boluntaryong sumuko ay pawang magsasaka at mula pa sa bayan ng San Mariano, Isabela.
Ayon pa kay PLtCol Raposas, nagtungo at boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro sa Headquarters Office ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company sa Barangay Baligatan, City of Ilagan, Isabela sa pakikipag-ugnay sa Isabela Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, CIDG Isabela Provincial Field Unit, 201st Regional Mobile Force Battalion 2, PNP-SAF at Regional Intelligence Unit 2.
Dagdag pa ni PLtCol Raposas, napadali at naging matagumpay ang pagsuko ng dalawa dahil sa patuloy na pagpapaigting ng Retooled Community Support Program gaya ng Project MASK (Malasakit Akmang Sagot sa Krisis) at Project SUBLI (Sarili mo’y Uusad Biyayang Pangkabuhayang Laan na Aming Igagawad) ng himpilan.
Lalo pang paiigtingin ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa insurhensiya at hikayatin ang mga mamamayan na huwag magpapaniwala sa mga pangako ng CTG sapagkat nasa gobyerno pa rin ang ikakaayos at ikakatahimik ng buhay ng bawat isa.
Source:1st Isabela PMFC
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
Tagumpay sana lahat sumuko na..salamat s mga awtoridad