Bacoor City, Cavite – Nakumpiska ang tinatayang Php260,000 halaga ng ilegal na droga sa limang suspek sa buy-bust operation ng mga pulisya ng Cavite noong Miyerkules, Marso 23, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Arnold Evangelista Abad, Provincial Director, Cavite Police Provincial Office, ang limang suspek na sina Joshua Conejos 26; Richard Victoria, 31; Hershey Anne Reyes, 26; Adrian Melbourne, 19; at Ian Kristopher Melbourne, 31, na pawang mga residente ng Bacoor City, Cavite.
Ayon kay Police Colonel Abad, bandang 1:30 ng madaling araw nahuli ang mga suspek sa Brgy. Mambog 2, Bacoor City, Cavite sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Drug Enforcement Unit Operative ng Bacoor City Police Station at Philippine Drug Enforcement Unit.
Ayon pa kay Police Colonel Abad, nakumpiska sa mga suspek ang 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 25 gramo na nagkakahalaga ng Php170,000.
Dagdag pa niya, nakuha din mula sa mga suspek ang 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman naman ng hinihinalang dried marijuana leaves at dalawang bungkos ng tangkay na nakabalot sa isang plastic wrapper na may laman na dried marijuana leaves na may timbang na 2 kilo at nagkakahalaga ng Php90,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hinihikayat ang mga mamamayan na suportahan at makipagtulungan sa programang SACLEO ng Pambansang Pulisya para labanan ang paglaganap ng mga ilegal na droga at magkaroon ng tahimik at maayos na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Marvin Avila
Mahusay talaga ang pulis galing