Arevalo, Iloilo City – Tinatayang Php238,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 nitong Lunes, Marso 21, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mark Anthony Darroca, Chief, RPDEU-6, ang mga suspek na sina Jessie A Chavez, alyas Dodoy, 30, residente ng Zone 5, Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo, Arlene R Dalanon, alyas Vicvic, 42, residente naman ng Zone 4, Sto. Niño Norte, Arevalo, at Annjee V Mandal, alias Angie, residente ng Barangay West Timawa, Molo, Iloilo City.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Darroca, Chief, RPDEU 6, naaresto ang mga suspek sa Zone 4, Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo, Iloilo City matapos mahuling nagbenta sa police poseur-buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa halagang Php7,400.
Dagdag pa niya, na narekober din sa kanila ang 20 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may bigat na humigit kumulang 35 grams with estimated drug price na Php238,000 at ibang non-drug items.
Ang mga nakumpiskang droga ay agad na dinala sa Forensic Unit 6 para sa karagdagang pagsusuri, habang dinala naman ang mga suspek sa Iloilo City Police Station 6 na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Flynn Dongbo, Regional Director, Police Regional Office 6, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon. Aniya, “This accomplishment is a result of a follow-up operation based on information we obtained. Additionally, I congratulate the operatives for their unwavering commitment and dedication, they enthusiastically gave focus on minute but significant details on every information that contributed to form a strong case build-up”.
###
Tunay na maaasahan ang mga pulis saludo kami