Camarines Sur – Tinatayang Php442,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa apat na naarestong suspek sa buy-bust ng mga pulisya ng Tinambac, Camarines Sur noong Martes, Marso 22, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Bernardo Perez, Provincial Director, Camarines Sur Police Provincial Office, ang mga suspek na sina Marlon G. Abrera, 28, may asawa, magsasaka; Jeffrey G. Facundo, 22, binata, construction worker; Enrique S. Una Jr, 28, single, walang trabaho; at Larry Y. Delfino, 46, may asawa, fish vendor; na pawang mga residente ng Brgy. Sagrada, Tinambac, Camarines Sur.
Ayon kay Police Colonel Perez, dakong 4:30 ng hapon naaresto ang mga nasabing suspek sa Zone 6, Brgy. San Roque, Tinambac, Camarines Sur sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Camarines Sur Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency Sorsogon Provincial Office, Tinambac Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Camarines Sur Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 5.
Ayon pa kay Police Colonel Perez, nakumpiska sa mga suspek ang labing-tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 65 gramo at may tinatayang halaga na Php442,000, isang pirasong Php500 bill bukod pa sa ilang boodle money na ginamit bilang buy-bust money, isang android cellphone na Oppo at iba pang bagay na hindi droga.
Tiniyak ni Police Colonel Perez na lalo pang paiigtingin ng CamSur PNP ang kampanya laban sa legal na droga para sa maayos at tahimik na pamayanan.
###
Panulat ni Prince Ruming
Good job mam sir saludo sa lahat ng kapulisan
Galing talaga ng mga kapulisan