Talitay, Maguindanao – Boluntaryong sumuko ang Sidik Amiril Private Armed Group sa Talitay Municipal Police Station sa Maguindanao nito lamang Miyerkules, Marso 23, 2022.
Sa pangunguna ni PMaj Haron Macabanding, Chief of Police, Talitay Municipal Police Station ay naiharap ang Sidik Amiril Private Armed Group kina PCol Jeffrey Fernandez, Deputy Director for Operation; PCol Quirobin Manalang, Chief, Regional Intelligence Division; PCol Jibin Bongcayao, Provincial Director, Maguindanao Police Provincial Office at PLtCol Samuel Nadala, Commanding Officer ng 2nd Mechanized Infantry “Valiant” Battalion.
Ayon kay PMaj Macabanding, ang Sidik Amiril ay dating assemblyman ng 2nd District ng Maguindanao Province sa ilalim ng UNA Party na kusang isinuko ang kanyang 4 na miyembro na pawang residente ng Brgy Manggay, Talitay, Maguindanao upang malinis ang kanilang pangalan sa Directorate for Intelligence List ng Private Armed Groups.
Ayon pa kay PMaj Macainding, na kusa din nilang isinuko ang limang yunit ng matataas na kalibre ng baril na 5.56 mm M16 rifle, Cal. 30 M1 Carbine, 5.56 mm Ultimax Light Machine Gun, M14 rifle at Homemade M79.
Dahil sa pagsisikap ng Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang pinuno ng komunidad ay nagbigay ito ng isang magandang samahan para sa ligtas at mapayapang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia
Tama ang desisyon na mag balik loob tayo sa gobyerno
Buti naman sana lahat sumuko na at mag balik loob s gobyerno para din yan s inyonv kabutihan