Cagayan – Narekober ng mga kapulisan ang mahigit-kumulang 800 gramo ng Cocaine na nagkakahalaga ng Php4.2 milyon na palutang-lutang sa baybayin ng Brgy. Bisagu, Aparri, Cagayan noong Martes, Marso 22, 2022.
Ayon kay Police Captain Tristan John Zambale, Chief of Police ng Aparri Municipal Police Station, isinuko ni Alyas Bobby, mangingisda sa nasabing barangay, ang isang nabuksang bloke na nakabalot sa plastic at naglalaman ng cocaine sa mga kapulisan.
Ayon pa kay PCpt Zambale, matagumpay na naiproseso ang turn-over ng natagpuang cocaine sa tulong ng Aparri Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency 2, Regional Maritime Unit 2, Cagayan Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 2, Regional Intelligence Unit 2, Regional Drug Enforcement Unit 2, National Bureau of Investigation 2, 17th Infantry Battalion-Philippine Army, Naval Intelligence and Security Unit 12, at Marine Battalion Landing Team 10.
Pinuri naman ni Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Official ang pagpupursige ng mga kapulisan upang mabantayan ang karagatan ng Cagayan.
Pinasalamatan din niya ang mga Cagayano sa patuloy na pagsuporta at pakikipagtulungan sa mga kapulisan upang masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad sa lalawigan.
Source: Aparri Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes
More power po pnp
Congrats PNP saludo po kami s inyo