Sitangkai, Tawi-Tawi – Tinatayang Php195,200 halaga ng shabu ang nasamsam sa bahay ng isang suspek ng mga operatiba ng Sitangkai PNP sa Barangay Datu Putih, Sitangkai, Tawi-Tawi nitong Miyerkules, Marso 23, 2022.
Kinilala ni Police Captain Alberto Bartolome, Chief of Police, Sitangkai Municipal Police Station ang suspek na si alyas Galib Ayudini Misuwari.
Ayon kay PCpt Bartolome, matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na may ilegal na aktibidad ng droga sa bahay ng suspek ay agad na rumesponde ang mga tauhan ng Sitangkai MPS sa nasabing lugar.
Ayon pa kay PCpt Bartolome, nang maramdaman ng suspek ang pagdating ng mga operatiba ng pulisya, tumakas ito sakay ng isang maliit na bangkang de-motor patungo sa direksyon ng Sabah, Malaysia.
Narekober naman sa bahay ng suspek ang walong plastic sachets na naglalaman ng 28.3 gramo na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga Php192,500; limang piraso ng plastic straws na naglalaman ng 0.4 grams na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php2,700; cash money na nagkakahalaga ng Php2,150; isang pirasong brown wallet na naglalaman ng dalawang identification cards; at iba pang drug paraphernalia.
Inihahanda na ng Sitangkai MPS ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.
Samantala, pinuri ni Police Brigadier General Arthur Cabalona, Regional Director, PRO BAR, ang Sitangkai MPS sa kanilang mabilis na pagresponde at pinaigting na anti-illegal drug operations para sa pagpuksa sa ilegal na droga sa lugar. Bukod dito, mananatiling walang humpay ang PRO BAR sa kampanya nito laban sa ilegal na droga at kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon ng Bangsamoro.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz III
Husay talaga ng mga pulis