ParaƱaque City ā Namahagi ng libreng pagkain ang ParaƱaque PNP sa mga aplikante ng pasaporte sa Department of Foreign Affairs (DFA) nito lamang Miyerkules, Marso 23, 2022.
Lubos na ikinatuwa ni PBGen Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District sa inisyatibo ng Sub-Station 2-ParaƱaque City Police Station sa pangangasiwa ni PCol Maximo Sebastian Jr, Chief of Police sa kanilang pamamahagi ng lugaw na may kasamang pandesal sa harap ng tanggapan ng DFA na matatagpuan sa Macapagal Blvd., Brgy. Tambo, ParaƱaque City.
Ang pagbibigay ng pagkain ay nangyari matapos makita ng mga kapulisan ng Sub-Station 2 ang pagpila ng mga aplikante ng passport na 36 oras nang naghihintay sa DFA.
Sa kagustuhang makatulong, kusang nagluto ng pagkain ang ParaƱaque City Police Station at ipinamahagi ito sa mag aplikante.
āNakakatuwa na makita ang ating mga pulis na nagkukusang tumulong sa ating mga kababayan, ito na marahil ang tatak ng ating mga pulis na mayroon tayo ngayon, matulungin, maaasahan, at hindi mag-aatubili na tumulong sa mga taong nangangailangan. Nang makita ng ating mga pulis na mahaba ang pila sa ahensiya ng DFA para sa mga nagpapa-authenticate ng kanilang mga dokumento, agad silang gumawa ng hakbang na kahit sa munti nilang paraan ay mapawi nila ang puyat at pagod ng ating mga kababayan. Kaya naman as your District Director kagalakan at tuwa ang hatid nito sa aking puso nawa’y ipagpatuloy natin ang ganitong mga gawainā, ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Tunay n may malasakit ang mga kapulisan