Taguig City– Tinatayang Php221,000 halaga ng ilegal na shabu ang nasamsam sa apat na suspek sa buy-bust ng Taguig City PNP nito lamang Martes, Marso 22, 2022.
Kinilala ni PBGen Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District ang mga suspek na sina Leonard De Vera y Catuday, 34; Ericson Baribar y Chavez, 33; Bernardo Yadao y Bustamante, 41; at Patria Anne Victorino y Sapon, 23.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang alas- 10:00 ng gabi naaresto ang mga suspek sa 20-A Kalayaan St., Brgy. Ususan, Taguig City sa pinagsanib puwersa ng SPD Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni PMaj Cecilio G Tomas Jr, kasama ang mga tauhan ng DID at DMFB-SPD.
Dagdag pa niya, nasamsam sa mga suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 32.5 gramo at tinatayang Php221,000 ang halaga, at isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang lahat ng nakuhang ebidensya ay itinurn-over sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis.
“Tinitiyak namin sa inyo na hindi kami uupo sa halip ay patuloy kaming magsasagawa ng mas agresibong anti-illegal drug operations sa pagkamit ng aming misyon na gawing malaya ang Southern Metro sa ilegal na droga gayundin ang lahat ng aming paglaban sa lahat ng uri ng kriminalidad”, ani pa ni PBGen Macaraeg.
###
Galing naman slmt s mga pulis..
More power po