Davao del Sur – Isinagawa ang Ground Breaking Ceremony sa Php18 milyong pisong halaga ng road construction na naisakatuparan sa pagsusumikap ng Revitalized-Pulis sa Barangay nito lamang Martes, Marso 22, 2022 sa Brgy. Darapuay, Bansalan, Davao del Sur.
Pinangunahan ni PBGen Allan Okubo, PRO 11 Deputy Director for Administration, bilang kinatawan nina PMGen Filmore Escobal, Deputy Director Area Police Command-Eastern Mindanao; at PBGen Benjamin Silo Jr, PRO 11 Regional Director ang naging ground breaking at laying of capsule ng nasabing kalsada.
Ang partikular na proyekto ay para sa pagkonkreto ng 1-km Andrew Awe Road sa Purok 9 at ang 800-meter Anderang road sa Purok 8 ng nasabing barangay na may kabuuang halaga na Php18 milyon.
Ang pondo para sa proyekto ay nagmula sa 20-Million Barangay Development Program (BDP) na naglalayong suportahan ang mga Communist Terrorist Group (CTG) cleared barangays na handa para sa kaunlaran.
Katuwang ang PRO 11 R-PSB at ang LGU ng Bansalan, Davao Del Sur, nakatanggap ang Barangay Darapuay ng kabuuang 20-Million Development Fund kung saan 18-Million ang inilaan para sa road concreting para mapabilis ang paglalakbay ng mga kalakal at economic activity sa nasabing barangay. Ang natitirang halaga ay inilaan para sa solar street lamps upang magdala ng liwanag sa lugar.
Ang nasabing mga proyekto ay naglalayon na magbukas ng mga pagkakataon upang maiangat ang katayuan ng pamumuhay ng mga tao sa mga Barangay na naapektuhan ng kaguluhan at ganap na mapuksa ang insurhensya.
Ang Barangay Darapuay ay dating kuta ng CTG na matatagpuan sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) at nasa hangganan ng North Cotabato.
Ang lubak-lubak na kalsada, kawalan ng linya ng tubig, kabuhayan at mga ilaw sa kalye ang mga isyung minamanipula ng mga CTG na naging kuta noon sa lugar.
Nakita ng R-PSB Darapuay sa pamumuno ni PLt Jergie Carumba na isa sa pangunahing kailangan ng ating mga kababayan ang pagkakaroon ng maayos na kalsada sa GIDAS kaya ganoon na lamang ang kanilang malasakit sa nasabing barangay.
Dahil sa nalalapit na pagkakaroon ng sementadong daan ay walang katumbas na pasasalamat ang naging tugon ng mga residente rito dahil sa wakas ay maaayos na ang kanilang lubak-lubak na kalsada.
Kabilang din sa mga dumalo ang Local Government Unit ng Davao del Sur at Philippine Army sa pangunguna ni Maj Victor Inting, Ex-O 39IB at iba pang local agencies tulad ng DILG, NCIP, IPMR at District Engineer.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita
Sarap talagang gumala sa Mindanao lalo na
sa rehiyon ng Davao 😍😍😍
Tunay n serbisyong publiko salamat sa PNP