Ilocos Sur – Naaresto ng mga pulisya ang Most Wanted Person (City Level) sa Ilocos Sur sa kasong Acts of Lasciviousness nitong Martes, Marso 22, 2022.
Kinilala ni Police Coronel Wilson Doromal, Provincial Director, Ilocos Sur Police Provincial Office, ang suspek na si Arsenio Dagusen y Plaris, 38, residente ng Brgy. Palacapac, Candon City, Ilocos Sur.
Ayon kay PCol Doromal, ang suspek ay naaresto sa nabanggit na lugar sa pinagsanib na puwersa ng Candon City Police Station, Provincial Intelligence Unit, 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company, 103rd Maneuver Force Company at 2nd District EOD Canine Unit.
Ayon pa kay PCol Doromal, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong four counts ng Acts of Lasciviousness na inihain ni Hon. Emmylou Valois Rubang-Mangasar ng Family Court Branch 8, Candon City, Ilocos Sur, First Judicial Region na may CC #4787-C hanggang 4790-C at may kaukulang piyansa na Php200,000 bawat kaso.
Patuloy ang mga kapulisan ng Ilocos Sur sa pagpapaigting sa kampanya laban sa kriminalidad para tugisin ang mga wanted persons at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima.
Source: Candon City Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Bader Ceasar B Ayco
Husay ng mga pulis salamat