Davao City – Pinarangalan ang dalawang Explosive Detection Dogs (EDDs) sa kanilang naging retirement sa Pulis Bagani Hall, Camp Sgt Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City, nito lamang Lunes, Marso 21, 2022.
Sa pangunguna ni PBGen Edgar Alan Okubo, Deputy Regional Director for Administration, PRO 11, nabigyan ng Plaque of Recognition at Token ang EDD na sina “Maxus” at “Yna” na siyang naging katuwang ng Explosive Ordnance Division o EOD-K9 sa loob ng mahigit 8 taon sa pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon para sa seguridad ng taong bayan.
Si EDD “Maxus” na mula EOD and Canine Unit-Davao City Police Office at EDD “Yna” na mula naman sa EOD and Canine Unit-Davao del Norte Police Provincial Office ay nagsilbi sa bayan simula Hunyo 5, 2012 hanggang Nobyembre 12, 2020.
Kinilala rin ang pulis na handler ni Maxus na si PMSg Noel Apostol at ni Yna na si PMSg Bernie Joy Gonzales sa kanilang matiyagang pagtuturo at pag-aalaga sa dalawang EDD.
Ito ay ang paraan ng pagpapasalamat ng pamunuan ng Pulis Rehiyon Onse sa serbisyo at pagganap ng tungkulin ng dalawang EDD na ito sa bayan sa ilalim ng EOD and Canine Unit.
###
Panulat ni Patrolman Rhod Evan Andrade
Salamat sa tunay n serbisyo godbless PNP