Antipolo City – Nakumpiska ang tinatayang Php212,500 na halaga ng marijuana sa isang negosyante sa buy-bust operation ng pulisya nitong Linggo, Marso 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Julian Olonan, Acting Chief, Special Operation Unit 4A, ang suspek na si Jheremy Javier y Manankil, alyas David, 24, negosyante, residente ng #16 Robin St., Francisville Subdivision, Barangay Mambugan, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay Police Colonel Olonan, bandang 7:50 ng gabi naaresto si David sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police Drug Enforcement Group-Special Operation Unit 4A at Antipolo City Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Olonan, nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang 1.7 kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng Php212,500, isang bundle ng boodle money na nagkakahalaga ng Php50,000 na may kasamang isang genuine Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang unit ng OPPO A37m Android na cellular phone, Philhealth Card at contract tracing ID.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at mga krimen para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon
Good job galing mga pulis