Patuloy ang Pambansang Pulisya sa mahigpit nito kampanya laban sa ilegal na droga. Sa halos anim na taon nating pakikipaglaban simula nang maupo ang ating Pangulo Rodrigo Roa Dutete ay hindi tayo tumigil sa pagsasagawa ng mga operasyon, programa at akbokasiya hinggil dito.
Sa mga nagdaang mga taon at hanggang kasalukuyan ay patuloy nating pinagbubuti ang ating serbisyo upang mapuksa ang salot na ilegal na droga sa ating lipunan. Masasabi natin na maganda ang ating naging laban dahil sa mga matatagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa mga taong sangkot dito maging ang bulto-bultong droga na ating nakumpiska. Ganun pa man, hindi natin maituturing na perpekto ang ating naging tugon hinggil dito.
Kaya naman, bilang pagpapatuloy ng ating laban sa ilegal na droga, mas lalo natin itong pagbubutihan sa pamamagitan ng Anti-Illegal Drugs Operation Through Reinforcement and Education o ADORE. Ito ang magsisilbing ‘endgame strategy’ ng ating pamahalaan para puksain ang ilegal na droga sa bansa.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Dangerous Drugs Board, at ibang ahensya at grupo ay matagumpay natin itong nailunsad.
Ang ADORE ay upgraded version ng Anti-Illegal Drugs Campaign Plan Double Barrel na nakatutok sa reinforcement at education-based strategy kabilang ang rehabilitation, recovery and wellness, at reintegration ng drug surrenderers.
Sa ‘new normal’, babalik tayo sa mga lansangan upang muli tayong makipag-ugnayan sa komunidad maging sa mga biktima ng ilegal na droga. Itutuloy natin ang laban sa problemang ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng supply bilang tulong natin sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Patuloy din tayong makikipagtulungan sa Department of Health sa pamamagitan ng health promotion activities laban sa paggamit at pang-aabuso sa ilegal na droga. Sa tulong ng ADORE, mas mapapalakas nito ang ating Barangay Anti-Drug Abuse Councils na malaking tulong upang mapalakas ang edukasyon at mapuksa ang drug dependency ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at matulungan silang makabangon muli mula sa ganitong kondisyon.
Sa ilalim ng ADORE, mas lalo natin itong palalawigin sa pamamagitan ng 8Es kabilang ang Engineering the Structure, Education, Extraction of Information, Enforcement, Enactment of Laws, Environment, Economics, Evaluation.
Tulad ng ating paulit-ulit na panawagawan sa publiko, hindi natin mapagtatagumpayan ang labang ito kung wala ang inyong tulong, suporta at pakikiisa. Ang laban natin sa ilegal na droga ay laban ng bawat isa.
###
Tagumpay saludo kami sa mga pulis
Tagumpay yan ang mga kapulisan tunay na serbisyong publiko