Ang terorismo ay balakid sa kapayapaan at kaunlaran, naghahasik ito ng takot at pangamba sa mamamayang Pilipino. Layunin ng terorismo na ipulupot sa leeg ng isang demokratikong gobyerno ang kadena nang kalupitan at karahasan upang ito ay maibagsak.
Sa Pilipinas, isa ang New People’s Army (NPA) sa mga teroristang grupo. Sila ang armed-wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng National Democratic Front (NDF). Ang CPP ang ulo/utak nang pagkilos, ang NPA naman ang armas/espada at ang NDF ang kalasag/baluti ng teroristang grupo. Ang tatlong magkakasabwat na ito ay sumusunod sa bawat kumpas at kapritso ni Jose Maria Sison na pinalaya ng Rehimeng Cory Aquino noon at ngayon ay nagtatampisaw sa maalwang pamumuhay sa Netherlands.
Naging tradisyon na sa NPA na tuwing sasapit ang anibersaryo ng CPP sa buwan ng Disyembre ay pinag-iibayo nila ang kanilang mga gawain nang pamamaslang. Ang kanilang mga biktima ay kadalasang mga uniformed-personnel ng pamahalaan o mga sibilyan na maigting na taga suporta ng mga makabuluhang programa ng gobyerno.
Noong December 13, 2018, bandang alas 4:10 ng araw ng Miyerkules, isang buhay ang walang awang inialay ng mga NPA sa lalawigan ng Kalinga sa altar ni Joma. Ang inihandog nila para sa ika-50 anibersaryo ng CPP ay si Police Executive Master Segeant (PEMS) Ronald Galap ng Lubuagan Municipal Police Station. Ilang punglo ang ibinaon ng mga assassin sa pataksil nilang pagpatay sa biktima. Ang kanyang dugo ay ibinuhos sa lupain ng Kalinga na ilang dekada nang saklot ng kalupitan at karahasan ng mga manliligalig.
Ipinagluksa ng mga taga Kalinga ang pagpaslang ng mga NPA kay PEMS Ronald Galap, isang alagad ng batas, isang Pilipino at kabalikat ng mamamayan para sa kapayapaan at pag-unlad.
Sa bawat patak ng luha mula sa mga nagmamahal at naulila ni PEMS Galap, ngiti at halakhak naman ang nagmula sa mga NPA na ipinagbunyi ang kamatayan ng kanilang kapwa Pilipino. Para sa nga CPP-NPA-NDF na uhaw sa dugo at walang paggalang sa buhay ng kapwa-tao, sisingilin sila ng kasaysayan at ng mamamayan sa utang nilang mga inosenteng buhay.
More power PNP godspeed