Davao City – Matagumpay na nagsipagtapos ang 38 dating rebelde sa isinagawang 12-Day Counter-Radicalization and Reintegration Seminar ng Police Regional Office 11 sa Sambisig Hall, Camp Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City, nitong Biyernes, Marso 18, 2022.
Ang nasabing pagtatapos ay pinangunahan ni PRO11 Regional Director, PBGen Benjamin Silo Jr. kung saan naging panauhin at tagapagsalita si PMGen Filmore Escobal, Deputy Commander, Area Police Command-Eastern Mindanao.
Kabilang din sa mga dumalo na stakeholders upang mamahagi ng mga food packs para sa mga dating rebelde ay sina Dr. Dong Sul Lee ng Braintouch Widtc Wellness Center, Davao Universal Alpha Eagles Club, Anti-Kidnapping Group 11, at PRO 11 Multi-Purpose Cooperative.
Walang katapusang pasasalamat ang ipinaabot ng dating kumander ng komunistang grupo na kilala bilang si “Kumander Bagwis” o Jonathan Macaraba sa totoong buhay sa pamunuan ng PRO 11 at sa lahat ng bumubuo sa programang Revitalized-Pulis sa Barangay dahil sa namulat siya sa maraming maling kaisipan na itinamin sa kanila ng dating kilusan na kanilang kinabibilangan simula nang siya ay magbalik-loob sa pamahalaan at sumailalim sa naturang programa.
Ipinagpasalamat din nito na sila ay nabigyan ng mga makabagong kaalaman para sa kanilang pangkabuhayan, nabinyagan, at nagkaroon ng pagkakakilanlan dahil sa pagkaroon nila ng birth certificate na kailan man ay hindi naibigay ng pagiging isang NPA.
Ang 12-Day Counter-Radicalization and Reintegration Seminar na ito na para sa nagbalik-loob na mga dating rebelde sa ilalim ng programa ng PRO11 R-PSB ay isinagawa upang suportahan at bigyang katuparan ang National Peace Framework to End Local Communist Armed Conflict sa Pilipinas sa ilalim ng mandato ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na Executive Order No. 70 o ang Whole-of-Nation Approach.
Nangako naman si PBGen Silo Jr. na ipagpapatuloy nito ang programa ng R-PSB dahil sa nakikita nitong positibong epekto ng pagbibigay serbisyo ng mga kapulisan sa komunidad sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
###
Panulat ni Patrolman Preal Cris Edosma
Tunay n serbisyong publiko