Daet, Camarines Norte – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang drug den sa buy-bust operation ng Camarines Norte PNP noong Marso 18, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arnel De Jesus, Chief of Police, Daet Municipal Police Station, ang apat na suspek na sina Maritess Duates Trinidad, alyas “Tess”, 36, dalaga; Fernando Cada Openia Jr, alyas “Nanding”, 34, binata; Rica Joy Alfonso Pilapil, alyas “Jane”, 21, dalaga, pawang mga residente ng Brgy. Mantagbak, Daet, Camarines Norte; at CJ Estuita, alyas “Jay”, 27, binata, residente ng Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte.
Ayon kay PLtCol De Jesus, bandang 2:00 ng hapon naaresto ang apat na suspek sa isang drug den sa Purok 1, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Camarines Norte at Daet Municipal Police Station.
Ayon pa kay PLtCol De Jesus, nakumpiska sa operasyon ang tatlong pirasong transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 50 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000, apat na improvised burner, gunting at tatlong cellphone.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang ating kapulisan ay patuloy lamang sa kampanya laban sa ilegal na droga at lalo na’t marami pang bilang ang sangkot sa ilegal na aktibidad.
Source: Daet MPS
###
Panulat ni Police Corporal Shiear “Kye” Velasquez-Ignacio