Teresa, Rizal – Naaresto ang Top 3 Most Wanted ng Rehiyon 4A sa operasyon ng mga pulisya nitong Marso 16, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang suspek na si Robert Borlaos Rapsing, 30, residente ng Brgy. May-Iba, Teresa, Rizal.
Ayon kay Police Colonel Baccay, bandang 6:49 ng gabi naaresto ang suspek sa Sitio Quary II, Brgy. May-Iba, Teresa, Rizal ng operatiba ng Warrant/Subpoena Section and Intelligence/Drug Enforcement Team ng Teresa Municipal Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Baccay, si Borlaos ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na nilagdaan ni Hon. Sheila Marie A. Ignacio (Presiding Judge) ng Regional Trial Court, Branch 80, Morong, Rizal, noong Mayo 31, 2010, para sa kasong Qualified Rape at walang nirekomendang piyansa.
Patunay na ang Pambansang Kapulisan ay walang humpay na magsisikap upang mahuli ang mga most wanted person ng bansa para manatiling ligtas ang ating komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jun Jun Macaindig