Communist Terrorist Group member, nagbalik-loob sa pamahalaan sa Tacloban City

0
571

Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay 97 Cabalawan, Tacloban City nito lamang ika-07 ng Setyembre 2025.

Kinilala ni Police Major Tyrone Mark A Cartalla, Company Commander ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Ka Bobby”, 40 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Del Pilar, Basey, Samar.

Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 63rd Infantry Battalion, Philippine Army, Provincial Intelligence Team Samar at Regional Intelligence Unit 8.

Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.

Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation at dokumentasyon ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Patuloy ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makasama ang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian