Sunday, November 17, 2024

Lalaking may dalang improvised shot gun arestado ng La Loma Police Station

Quezon City — Arestado ang isang lalaking may dalang improvised Shot Gun sa Oplan Sita ng kapulisan ng La Loma Police Station (PS 1) nito lamang Sabado, Marso 19, 2022.

Kinilala ni PBGen Remus Medina, District Director ng QCPD ang suspek na si Johnver Santos, 24, nakatira sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay PBGen Medina, bandang 12:10 ng madaling araw nahuli ang suspek sa harap ng Puregold Extra sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. at Balingasa Rd., Brgy. Balingasa, Quezon City.

Ayon pa kay PBGen Medina, pinara ng mga pulis ang suspek sa kalagitnaan ng kanilang operasyon na sakay umano ng isang motorsiklo na walang plaka at walang suot na helmet.

Nang siyasatin ng mga pulis ay bigong maipakita ng suspek ang kanyang lisensiya at iba pang angkop na dokumento.

Sa pagkakataong iyon ay inatasan ang suspek na itaas nang bahagya ang kanyang pang-itaas na kasuotan upang masiguro na hindi ito armado; ngunit, isang hinihinalang baril ang nakasukbit sa kanyang baywang, kung kaya’t agad siyang inaresto ng kapulisan.

Dito na kinumpiska mula kay Santos ang isang improvised shot gun, isang bala ng 12-gauge shot gun, at isang Mio Sporty motorcycle.

Mahaharap si Santos sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan sa Omnibus Election Code.

“Mas lalo pa nating paiigtingin ang ating police operations upang mas masiguro natin ang ligtas, mapayapa at maayos na halalan sa darating na Mayo ngayong taon,” saad ni PBGen Medina.

Source: PIO QCPD SMART

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles