Sunday, November 24, 2024

Brgy. Chairman sa Matalom, Leyte arestado sa PNP buy-bust

Matalom, Leyte – Arestado ang isang Brgy. Chairman ng Matalom, Leyte at isa pang kasama nito sa buy-bust operation ng pulisya nito lamang Martes, Marso 15, 2022.

Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Banac, Regional Director, Police Regional Office 8, ang mga suspek na sina Rogelio Daño alyas “Elmer”, 57, Brgy. Chairman/ABC President at si Cesario Daño Lambujon, 35, at parehong residente ng Brgy. Sta. Fe, Matalom, Leyte.

Ayon kay PBGen Banac, nahuli ang mga suspek bandang 7:15 ng gabi sa Baywalk Area ng Brgy. Kalanggaman, Bato, Leyte ng pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng Bato Municipal Police Station, Matalom MPS at PDEA VIII-RSET, Leyte Police Provincial Office.

Ayon pa kay PBGen Banac, ang dalawang suspek ay kabilang sa High Value Individual sa rehiyon.

Dagdag pa ni PBGen Banac, nakuha kay Daño at Lambujon ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php680,000 at isang puting sobre na naglalaman ng cash na nagkakahalaga ng Php15,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang dalawang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay nasa kustodiya na ngayon ng PDEA 8 para sa kaukulang disposisyon.

“Hindi titigil ang ating mga operasyon laban sa ilegal na droga hangga’t hindi natin ginagawang malinis ang lahat ng lungsod, munisipalidad at barangay sa buong Rehiyon 8. Hindi natin patatawarin ang sinumang gagawa ng paglabag sa ating batas”, ani PBGen Banac.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles