Kalamansig, Sultan Kudarat– Sumuko at nagbalik-loob ang 11 na rebelde sa pamahalaan ng Kalamansig, Sultan, Kudarat nitong Huwebes, Marso 17, 2022.
Matagumpay na sumuko ang mga dating rebelde sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Allen Van Estrera, INF, Philippine Army, GSC, Commanding Officer ng 37th IB, na kung saan siya ang nanguna sa paghikayat sa mga rebelde na bumalik sa gobyerno.
Kasama sa operasyon sina Police Lieutenant Colonel Jose Marie Simangan, Commanding Officer ng 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company; Police Major Randy Ellarda, Chief of Police ng Kalamansig Municipal Police Station; Lieutenant Arjay Lascuña, Civilian Military Operations officer ng 37th Infantry Battalion; at Madam Maria Soccoro Lanto, Focal Person ng Task Force Rolando Panes Garcia, End Local Communist Armed Conflict (TF-RPG ELCAC).
Ang bawat isang sumuko ay tumanggap ng tulong pinansyal at pangkabuhayan mula sa pamahalaan ng Kalamansig.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay bitbit din nila ang mga iba’t ibang uri ng matataas na uri ng baril tulad ng 5.56mm M16 Rifle, 7.62mm M14 Rifle, Caliber .45 Pistols at fragmentation grenade.
Patuloy naman na magpapaabot ng tulong ang pamahalaan sa lahat ng mga nais na sumuko at magbalik-loob.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Medelin