Arestado ang dalawang (2) wanted na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sariaya, Quezon noong Oktubre 6, 2021.
Alas-dos ng madaling araw nang isagawa ng 1st Quezon Police Mobile Force Company, kasama ang Sariaya Municipal Police Station, PIU-QPPO, at ang puwersa ng militar ang naturang operasyon sa Sitio Centro, Barangay Manggalang 1, Sariaya, Quezon.
Naaresto ang mga suspek na sina Erlindo Baez Custodio alyas “Lino/Haligi”, 53 anyos; at Wilfrido Caparano alyas “Willy”, 60 anyos sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case Number 21-06-749 at 21-06-750 na inisyu ni Hon. Jose Ricuerdo Policarpio Flores, presiding Judge ng RTC Branch 6, Tanauan City, Batangas sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516 at walang rekomendang piyansa.
Narekober ng mga awtoridad mula sa pag-aari ng mga suspek ang cal .45 Norinco, dalawang (2) magasin, 11 na bala, dalawang (2) hand grenade at mga subersibong dokumento.
Sina Custodio at Caparano ay kasalukuyang nakapiit sa 1st QPMFC Headquarters para sa karagdagang dokumentasyon at imbestigasyon.
Photo Courtesy: R5, PRO4A
#####
 Article by Police Corporal Josephine T Blanche