Davao del Norte – Agad na nirespondehan ng mga kapulisan ng Panabo City Police Station ang isang lalaki matapos itong barilin sa Prk. 3 Cogon 1, Brgy. JP Laurel, Panabo City, Davao del Norte, nitong Huwebes, Marso 17, 2022.
Kinilala ni PLtCol Verna Cabuhat, Chief of Police ng Panabo City Police Station ang biktima na si Thomy Atanacio Capitli, 56, isang karpintero na residente ng Prk. 3 Cogon 1, Brgy. JP Laurel, Panabo City.
Ayon kay PLtCol Cabuhat, sa isinagawang imbestigasyon ng Panabo CPS, napag-alaman na ayon sa mga nakasaksi, bandang 6:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng barangay road, isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nakasuot ng kulay dirty white na jacket na may hood ang sakay ng puting motorsiklo na may plakang XTZ 125 ang bumaril ng isang beses sa biktima na tumama sa kanang bahagi ng mukha nito na kaagad namang tumakas.
Dali-dali namang dinala ang biktima sa Emergency Clinic, Panabo City para magamot ngunit kalaunan ay inilipat sa Davao Regional Medical Center.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang fired cartridge ng 9mm caliber pistol.
Patuloy din ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng nasabing himpilan upang tugisin ang suspek ng pamamaril.
Tunay nga na ang Pambansang Pulisya ay laging handang umalalay sa anumang pagkakataon sa sinumang nangangailangan.
###
Panulat ni Patrolman Rhod Evan Andrade