Marikina City — Nasagip ang isang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) na kinidnap at ikinulong ng dalawang suspek ng mga operatiba ng Marikina City noong Miyerkules, Marso 16, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Benliner Capili, Chief of Police ng Marikina City Police Station, ang mga suspek na sina Marvin Baratteng y Altamira alyas “Kano”, 40, residente ng Brgy. Nangka, Marikina City, at Erica Albano y Palomata alyas “Erica”, 28, residente ng Brgy. Tumana, Marikina City.
Ayon kay Police Colonel Capili, nailigtas ng Police Detective – Task Force Greyhound Marikina City Police Station ang biktima na si Reofil Alvarez y Ongwico sa kahabaan ng Bayan-bayanan Ave., Brgy. Concepción Uno, Marikina City.
Ayon pa kay Police Colonel Capili, naaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Romeo Dizon Tagra, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 273, para sa krimeng Kidnapping and Serious Illegal Detention (RPC Art. 267 as amended by RA 18 at RA 1084) at Robbery with Violence or Intimidation of Persons (RPC Art. 294).
“Ang mga tauhan ng Marikina CPS ay patuloy pa ang paghahanap sa tatlo pang kasamahan ng mga suspek na kasabwat umano sa krimen. Determinado kami sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima at maikulong ang mga nagkasala sa batas”, dagdag pa ni Police Colonel Capili.
Source: Marikina CPS
###
Good job PNP salamat