Aglipay, Quirino – Nagtapos ang 66 na kababaihan ng Quirino sa isinagawang dalawang araw na Livelihood Training ng Veggie Noodle at Veggie Pao Making sa Quirino Police Provincial Office Badminton Court, San Leonardo, Aglipay, Quirino noong Marso 15 at 16, 2022.
Ayon kay Police Colonel Rommel Rumbaoa, Provincial Director ng Quirino PPO, ang aktibidad ay alinsunod sa selebrasyon ng Women’s Month na may temang “We Make Change Work for Women”.
Ayon pa kay PCol Rumbaoa, ang mga lumahok ay mga kababaihang kapulisan, mga Non-Uniformed Personnel at mga sibilyang asawa ng mga kapulisan.
Layon ng Livelihood training na ito na makapagbigay ng dagdag pangkabuhayan sa mga dumalo at makatulong sa mga labis na naapektuhan ng pandemya.
Patuloy ang pagpapatatag ng kasunduan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng mga livelihood training tulad nito.
Source: Quirino PPO
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
Serbisyong may puso galing ng mgq pulis