Davao de Oro – Sumailalim sa iba’t ibang Livelihood Training ang 38 na dating rebelde sa isinagawang farm exposure ng Police Regional Office 11 Revitalized–Pulis sa Barangay sa Purok 3, Brgy. Pasian, Davao de Oro nitong Miyerkules, Marso 16, 2022.
Ito ay sa pangunguna ni PMaj Rowena Jacosalem R-PSB focal person, kasama ang tauhan ng Regional Community Affairs and Development Unit 11.
Dito ay ipinaliwanag ni Janice Bulosan, Admin Officer ng Davao de Oro farm ang mga teknolohiya at pamamaraan ng pagsasaka. Kabilang din sa mga itinuro sa kanila kung paano isagawa ang grafting and budding ng mga alagang tanim, Banana Tissue Culture, BIO-N Technology, Trichoderma Laboratory at ang poultry raising.
Ang nasabing farm exposure ay bahagi lamang ng kanilang Counter-Radicalization and Reintegration Seminar para sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad.
Malaki ang naging pasasalamat ng mga dating rebelde dahil nabigyan sila ng pagkakataong bumisita at matuto ng mga pamamaraan sa pagsasaka na magagamit nila sa kanilang magiging hanapbuhay pagkatapos ng kanilang 12 araw na seminar.
Layunin ng aktibidad na ito na sila ay mabigyan at magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pagtatanim at maipabatid ang mga tulong na nais ipaabot ng gobyerno para sa kanila.
Ito ay isa lamang sa mga aktibidad na ginagawa ng Police Regional Office 11 at Revitalized Pulis sa Barangay upang matulungan ang mga dating rebelde na magkaroon ng matiwasay at magandang buhay sa kanilang muling pagbabalik sa pamayanan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita
May malasakit talaga ang gobyerno natin salamat po