Lapu-Lapu City, Cebu – Nasamsam ang tinatayang Php682,176 na halaga ng shabu sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng pulisya ng Lapu-Lapu City nito lamang Miyerkules, Marso 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director, Police Regional Office 7, ang mga naaresto na si John Paul Anches, 24, residente ng 1634 Giltodtod St., Mabolo, Cebu City at si Dyeen Estremos Bañez, 38, residente ng 404G Tres de Abril St., Cebu City.
Ayon kay PBGen Vega, nasakote ang mga suspek bandang 4:30 ng hapon sa Purok Molave, Brgy. Poblacion, Lapu-lapu City sa pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit-LCPO, PDEA, at ilang opisyal ng Barangay.
Ayon pa kay PBGen Vega, kabilang sina Anches at Bañez sa watchlist ng High Value Individual sa nasabing bayan.
Dagdag pa ni PBGen Vega, nasamsam ang 11 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 100.32 gramo at may Standard Drug Price na Php682,176, isang belt bag, isang bundle ng papel na may 500-peso bill, “RAM” marked, at signature na ginamit bilang boodle money; isang nokia cellular phone, isang Yamaha Mio Soul Motorcycle, at 500 pesos na hinihinalang nalikom mula sa ilegal na droga.
Napag-alaman na ang mga akusado ay dati nang naaresto sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act noong Nobyembre 2018, ngunit agad ding nakalabas ng makapagpiyansa.
Ang kampanya ng ating Gobyerno at ng Pambansang Pulisya laban sa ilegal na droga ay patuloy na pinapalakas upang masawata at mapanagot ang mga kriminal na sangkot dito.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan P Llapitan
Yan huli kayo mabuti na ang sisipag at galing ng mga pulis salamat