Kiamba, Sarangani Province – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga kapulisan at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa Women’s Month at MILF Anniversary Celebration sa Kiamba, Sarangani Province nito lamang Miyerkules, Marso 16, 2022.
50 na kababaihan ang napamahagian ng groceries habang 100 katao naman ang naging benepisyaryo ng pinamahaging food packs. Maliban dito, nagpakain naman sila ng masusustansyang pagkain at binigyan ng regalo ang mga kabataan na nasa komunidad ng MILF.
Nagturo din ang mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Division patungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. Samantala tinalakay din ni PCol Salman Haron Sapal ang Prevention and Countering of Violent Extremism sa lahat ng pumunta sa nasabing programa.
Matagumpay na nakapag-abot ng tulong at kasiyahan ang ating kapulisan sa pangunguna ni Chief, Regional Investigation and Detective Management Division na si PCol Sapal kasama ang tauhan ng Kiamba Municipal Police Station na pinamumunuan ni PMaj Herman Luna, Acting Chief of Police, at mga tauhan ng RCADD 12, Police Community Affairs Development Unit ng Sarangani Police Provincial Office, 38th Infantry Battalion ng Philippine Army, 1204th Regional Mobile Force Battalion 12, 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company sa pakikipagtulungan sa MILF.
Ang aktibidad ay naglalayong mapatibay ang ugnayan ng Pambansang Pulisya at MILF para mapanatiling mapayapa, maayos at ligtas sa kanilang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo
May malasakit kahit kelan ang mga pulis salamat po mga sir