Indanan, Sulu – Nagsagawa ng “KASIMBAYANAN” (Kawani, Simbahan, at Pamayanan) at Unity Covenant Signing for S.A.F.E (Secure, Accurate, Free/Fair Elections) 2022 ang Indanan Municipal Police Station sa Sawadjaan Compound, Gymnasium, Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu nito lamang Miyerkules, Marso 16, 2022.
Pinangunahan ni Police Major Edwin Catayao Sapa, Chief of Police, Indanan MPS kasama ang kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Commission on Elections, at Department of Education.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan din ng Different Political Aspirants para sa lokal na posisyon mula sa Mayor, Vice Mayor, Municipal Councilor at 34 Barangay Chairman/Chairwoman ng iba’t ibang barangay sa loob ng Indanan, Sulu.
Tinitiyak ni Police Major Sapa na ang Indanan PNP ay mananatiling nakatuon sa tungkulin nito bilang isang non-partisan na organisasyon at magbibigay ng seguridad upang mapanatili ang kaayusan sa darating na halalan 2022.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden C. Corpuz III
Mabuting gawain po yan para sa kapayapaan ng halalan salamat s gobyerno