Cainta, Rizal – Tinatayang Php108,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa buy-bust operation ng kapulisan ng Rizal nito lamang Martes, Marso 15, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang suspek na si Conrad Posadas Francisco alyas Boogie, 42, residente ng number 25, San Juan St., Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.
Ayon kay Police Colonel Baccay, bandang 11:15 ng gabi naaresto si Francisco sa nasabing barangay sa isinagawang operasyon ng Rizal Provincial Intelligence Unit.
Ayon pa kay Police Colonel Baccay, nakuha sa suspek ang apat na pirasong heat-sealed plastic sachet na may kabuuang timbang na 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php108,000, isang coin purse, isang Php500 bill na marked money at limang piraso na Php100 bill.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Article 11 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act of 2002).
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at mga krimen para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon
Good job salamat sa mga alagad ng batas