Roxas City, Capiz– Nakumpiska ang tinatayang Php4,522,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual sa buy-bust operation ng pulisya sa Roxas City nito lamang Martes, Marso 15, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Mark Anthony Darroca, Chief, Regional Police Drug Enforcement Unit 6, ang suspek na si Aureo Laserna Amane alyas “Au RAV4”, 58, may asawa at residente ng Brgy. Tisa, Roxas City, Capiz.
Ayon kay PLtCol Darroca, bandang 6:45 ng gabi naaresto ang suspek sa Brgy. 11, Roxas City, Capiz sa pinagsamang puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, Capiz Police Provincial Drug Enforcement Unit at ng Roxas City Police Station.
Ayon pa kay PLtCol Darroca, nahuli si Amane matapos itong magbenta sa police poseur buyer ng dalawang nakataling transparent plastic bag na may lamang shabu na nagkakahalaga ng Php100,000.
Dagdag pa ni PLtCol Darroca, narekober din kay Amane ang 13 piraso pang nakataling malalaking transparent plastic bag at tatlong piraso ng transparent plastic sachet na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat ng humigit kumulang 665 gramo at may Standard Drug Price na Php4,522,000 at iba pang mga buy-bust item.
Si Amane ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, hinikayat naman ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa pulisya sa pagsugpo sa iba’t ibang uri ng krimen lalo na sa mga ipinagbabawal na droga. Kung maaari ipagbigay-alam agad sa mga kinauukulan upang di na lumala at dumami pa ang magiging biktima nito.
###
Panulat ni Patrolman Kher D Bargamento
Husay saludo kami sa mga kapulisan