Isabela – Naaresto ang isang magsasaka sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan ng Isabela noong Martes, Marso 15, 2022 sa kasong paglabag sa PD 1866.
Kinilala ni Police Colonel Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang suspek na si Roman Ventura y Valerio, 67 taong gulang, magsasaka at residente ng Sitio Malaylaya Barangay Mararigue, San Manuel, Isabela.
Ayon kay Police Colonel Go, sa ganap na 4:45 ng umaga naaresto si Ventura sa kanyang tinitirhan ng mga operatiba ng San Manuel Police Station at Provincial EOD/Canine Unit (PECU) Isabela.
Ayon pa kay Police Colonel Go, naaresto si Ventura sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Hon. Randy B. Bulwagan, Acting Presiding Judge ng RTC Br. 23, Roxas, Isabela, para sa kasong paglabag sa PD 1866 na inamyenda ng RA 9516.
Ayon pa kay Police Colonel Go, nakumpiska mula sa suspek ang isang Unit ng MK2 HE Hand Grenade na nakalagay sa loob ng puting sako sa ilalim ng mga damitan na nakatambak sa loob ng isang silid.
Samantala, pinuri ni Police Colonel Go ang mga operatiba ng San Manuel Police Station sa pangunguna ni Police Major Sunny M Longboy, Acting Chief of Police, at mga tauhan ng Provincial EOD/Canine Unit (PECU) Isabela sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek sa nasabinng lugar.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong lumalabag sa batas at hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa programa ng gobyerno para sa maayos at mapayapang pamayanan.
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag
Good job sa mga pulis