Agusan del Sur – Nagsagawa ng Community Outreach Program at Harana ni Nanay Singing Challenge ang Agusan del Sur Police Provincial Office bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month Celebration sa Brgy. Prosperidad at Brgy. San Francisco, Agusan del Sur, nito lamang Lunes, Marso 15, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jude Cres Milan, Chief, Police Community Affairs and Development Unit ng Agusan del Sur Police Provincial Office sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Colonel Jovito Canlapan.
Namahagi sila ng 50 food packs sa mga senior citizen na pawang mga residente ng Brgy. Prosperidad at Brgy. San Francisco, Agusan del Sur.
Nagkaroon din ng Harana ni Nanay Singing Challenge na kung saan ipinamalas ang taIento at husay sa pagkanta ng mga ilaw ng tahanan.
Bawat entry ay isa-isang ni-record at inupload sa official Facebook page ng Agusan del Sur Police Provincial Office upang ang mga netizens ay makapag react, comment at share sa kanilang choice of entry.
Pinasalamatan din ni Police Lieutenant Colonel Milan ang walang sawang suporta ng kababaihan lalo na ang ating mga nanay sa pagsugpo at pakiki-isa laban sa insurhensiya at terorismo.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri na aktibidad ay isang paraan ng kapulisan ng Agusan del Sur na ipakita ang kahalagahan at malaking tungkulin na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan, RPCADU 13
Tunay n serbisyo publiko mabuhay kayo mga alagad ng batas