President Quirino, Sultan Kudarat – Patuloy parin ang pamamahagi ng food packs ng mga kapulisan ng President Quirino Police Station sa mga nakakaranas ng kahirapan sa President Quirino, Sultan Kudarat nitong Martes, Marso 15, 2022.
Binigyang-diin ng Chief of Police ng President Quirino Municipal Police Station na si PMaj Samuel Domingo na ang tanggapan ng President Quirino MPS ay nakahandang umalalay sa kanilang nasasakupan na nangangailangan ng tulong.
Ang food packs ay may lamang canned goods, gamot at iba pang tulong pangkabuhayan upang mapanatili ang maayos na kalusugan sa gitna ng kahirapan na dulot ng pandemya.
Layunin din ng aktibidad na mapalakas ang magandang ugnayan ng kapulisan sa mamamayan na lubos namang ipinagpapasalamat ng mga residente ng President Quirino sa ayuda na ibinigay sa kanila ng kapulisan.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin
May puso at malasakit talaga ang mga kapulisan salamat