Tatlong indibidwal, arestado sa buy-bust operation ng Rizal PNP

0
1174

Arestado ang tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang High Value Individual (HVI) at isang drug user, sa isinagawang buy-bust operation ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Rodriguez Municipal Police Station sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, noong Agosto 11, 2025.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas “Tati “(23), alyas “Taga” (42), at alyas “Yvonne” (27), pawang mga residente ng Rodriguez, Rizal.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php476,000, buy-bust money na Php1,000, cash na Php800, at isang pouch.

Ayon kay Police Colonel Feloteo A Gonzalgo, Acting Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office,
”Patuloy ang mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng komunidad sa lalawigan.”

Patuloy ang panawagan ng Rizal PPO sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga. Kasama ang komunidad, titiyakin ng Rizal PPO na ang lalawigan ay magiging ligtas, maayos, at mas maunlad para sa lahat.