Caloocan City – Tinatayang Php204K halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa ginawang buy-bust ng pulisya ng Caloocan City nito lamang Martes, Marso 15, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Hidalgo, Jr, District Director ng Northern Police District ang mga suspek na sina Zaldy Legaspi y Pacheco, 22, at Carlito Dela Cruz y Pine, 31.
Ayon kay PBGen Hidalgo, bandang 6:40 ng gabi nahuli sina Legaspi at Dela Cruz sa kahabaan ng PNR Dorm, Brgy. 5, Lungsod ng Caloocan sa pinagsanib puwersa ng Station Drug Enforcement Unit at PDEA-RONCR.
Ayon pa kay PBGen Hidalgo, nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na pirasong medium HSTPS na hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 30 gramo at nagkakahalaga ng Php204,000.
Narekober din sa kanila ang Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money ng mga operatiba.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Tiniyak ni PBGen Hidalgo na ang Pambansang Pulisya ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at mapanagot ang mga lumalabag nito.
Source: NCRPO SMS REF # 3-15-2022-1216
###
Slaamat nhuli yan galing talaga ng mga alagad ng batas