Kibawe, Bukidnon – Naaresto ang isang Wanted Person ng Kibawe sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group – 10 nito lamang Lunes, Marso 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director, Bukidnon Police Provincial Office ang suspek na si Freddie Petalio Jr y Bañoc, 20, estudyante at residente ng Purok 4, Barangay Palma, Kibawe, Bukidnon.
Ayon kay Police Colonel Lagare, bandang 8:50 ng gabi naaresto ang suspek sa nasabing barangay sa pinagsanib pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-10 at Kibawe Municipal Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Lagare, si Petalio ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 7610 o Anti-Child Abuse Law na inisyu ni Hon. Maria Theresa Aban-Camannong, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 9, Malaybalay City sa ilalim ng Criminal Case Number 38150-22 dated Pebrero 24, 2022 na may nirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php60,000.
Ang ating kapulisan ay walang humpay na nagsusumikap para hulihin ang mga taong nagkasala sa batas. Huwag mag-atubiling magsumbong o i-report sa kinauukulan kapag may alam na impormasyon sa mga taong tinutugis ng batas.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan
Tagumpay saludo tayo s mga pulis