Tondo, Manila – Nasabat ang nasa Php264,000 halaga ng marijuana sa tatlong naarestong suspek sa ikinasang Oplan Galugad ng pulisya, nito lamang Martes, Marso 15, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Leo Francisco, District Director ng Manila Police District ang mga suspek na sina Roberto Luartes y Gonzales, 33, residente ng 1152 Laguna St. Zone 21, Brgy. 227, Tondo, Manila; Roy Ely y Adarne, 30, residente ng F. Dagupan St. Brgy 165, Tondo, Manila; at James Gerald Silva y Gonzales, 31, residente ng 1016 New Antipolo St., Tondo, Manila.
Ayon kay PBGen Francisco, sa ganap na alas-5:00 ng hapon naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Riles ng New Antipolo St., Tondo Manila sa mga tauhan ng Intelligence Operatives ng MPD.
Batay pa kay PBGen Francisco, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pisong barya na ginamit bilang flipper, anim na Php100, tatlong Php50 na ginamit bilang bet money, 21 pirasong HSTPS na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana, at isang malaking hugis oblong na nakabalot sa isang brown packaging tape na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaghihinalaan ding marijuana na may timbang na higit kumulang dalawang kilo na tinatayang nagkakahalaga ng Php264,000.
Ang mga suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa PD 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling.
Tiniyak ni PBGen Francisco na pananagutin sa batas ang mga nahuli at sinumang lalabag sa batas kontra ilegal na droga at anumang krimen.
Source: NCRPO SMS REF #3-15-2022-1217
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos
Good job more power PNP