Suspek, arestado matapos magtago ng 26 taon

0
645

Matapos ang 26 na taong pagtatago sa mga awtoridad, isang 76-anyos na lalaki ang naaresto sa Malilipot, Albay noong Agosto 6, 2025, kaugnay ng kasong Acts of Lasciviousness na ilang dekada nang nakabinbin.

Kinilala ni Police Captain Alex L Alcantara, Officer-In-Charge, ang suspek sa alyas na “Arnol,” na inaresto ng mga tauhan ng Malilipot Municipal Police Station bandang 12:10 ng tanghali.

Ang pag-aresto ay isinagawa batay sa Warrant of Arrest na inilabas ng korte noon pang Oktubre 28, 1999, sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirerekomendang piyansa na Php40,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Ayon pa kay Police Colonel Julius Cubos Añonuevo, Provincial Director ng Albay Police Provincial Office, ang matagumpay na pagdakip sa suspek ay hudyat ng pagtatapos ng matagal na paghahanap sa pugante at nagbibigay ng katarungan sa isang kasong mahigit dalawang dekada nang nakabinbin.

Source: Albay PPO

Panulat ni PSSg Mercolito P Lovendino Jr