Regional Most Wanted Person, napasakamay ng Rosario PNP

0
764

Arestado ng Rosario PNP ang isang Most Wanted Person sa Regional Level sa Barangay Wawa 2, Rosario, Cavite noong Agosto 7, 2025.

Kinilala ni PLtCol Ardie O Bagaman, Acting Chief of Police ng Rosario Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Miguelito”, residente ng AC Mercado St., Barangay Wawa 2, Rosario, Cavite.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Warrant and Patrol Section ng Rosario MPS sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Sexual Assault at Statutory Rape na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa kasong Sexual Assault at wala namang piyansa para sa kasong Statutory Rape.

Patuloy ang paalala ng Cavite PNP sa pangunguna ni Police Colonel Ariel R. Red, Acting Provincial Director, na hindi sila hihinto sa kanilang walang humpay na operasyon upang tuluyan ng masawata ang lahat ng klase ng kriminalidad sa lalawigan.