Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Frustrated Homicide sa Barangay Cogon, Ormoc City nito lamang Hulyo 28, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joel R Camacho, Force Commander ng Ormoc City Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Rudy”, 39 anyos at residente ng Barangay Don Potenciano Larrazabal, Ormoc City.
Bandang 10:58 ng tanghali nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Ormoc City Mobile Force Company kasama ang Ormoc City Police Station 1 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Homicide na may inirekomendang piyansa na Php24,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay mas pinaigting ang paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.



