Sunday, November 24, 2024

Php374K halaga ng shabu kumpiskado sa PNP buy-bust; drug pusher arestado

Bacolod City – Tinatayang Php374,000 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang tulak ng droga sa buy-bust operation ng pulisya ng Bacolod City nito lamang Lunes ng madaling araw, Marso 14, 2022. 

Kinilala ni Police Brigadier General Randy Peralta, Director ng PNP Drug Enforcement Group, ang suspek na si Carlo Jordan Arevalo, 24 anyos, single at residente ng Purok Tinagong Paraiso, Zone 3, Barangay Banago, Bacolod City, Negros Occidental.

Ayon kay PBGen Peralta, sa ganap na 1:39 ng madaling araw nahuli si Arevalo sa kanyang tirahan sa Brgy. Banago, Bacolod City ng mga operatiba ng Special Operations Unit 6, PNP DEG katuwang ang Bacolod City Police Office, Police Station 2 Station Drug Enforcement Team.

Ayon pa kay PBGen Peralta, si Arevalo ay nakuhanan ng 55 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php374,000.

Dagdag pa ni PBGen Peralta, kabilang sa nakumpiska sa suspek ang isang Php500 buy-bust money, isang piraso ng coin purse (color pink), isang piraso ng orange notebook at isang piraso ng yellow na kahon.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang naturang operasyon ay bahagi sa pinaigting na kampanya ng PNP at ng pamahalaan upang tuldukan ang problema sa mga ipinagbabawal na droga sa buong bansa.

###

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles