Community Outreach Program, isinagawa ng Pasay City PNP

0
848

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Pasay City Police Station sa tapat ng Barangay 52 Hall, G. Villanueva Street, Pasay City nito lamang Linggo, Hulyo 27, 2025.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Joselito M. De Sesto, Chief of Police ng Pasay CPS, katuwang sa nasabing aktibidad ang mga kasapi ng Pasay CPS BPATs Force Multiplier, District Community Affairs and Development Division (DCADD), District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District, gayundin ang mga opisyal ng Barangay 52 at Sangguniang Kabataan.

Nagkaroon ng talakayan sa aktibidad patungkol sa Republic Act 9262 (VAWC) at promosyon ng 911 Emergency Hotline; Drug Awareness and Prevention; at pamamahagi ng libreng hot meals para sa mga residente na dumalo.

Layon ng programang ito na palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangang panlipunan ng mamamayan.

Patuloy ang Pasay City PNP sa pagsusulong ng mga makabuluhang inisyatibo tungo sa isang ligtas at maunlad na pamayanan.

Source: Pasay CPS

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos