Davao City – Tinatayang nasa 1.2 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng operatiba ng Davao City sa isang suspek sa buy-bust operation nito lamang Sabado, Marso 12, 2022.
Kinilala ni PMaj Noel Villahermosa, PS3 Station Commander, ang suspek na si Mark Anthony De Real Ceballos alyas “Anton”, 21, residente ng Purok San Vicente Lote St., Brgy. Lizada, Toril, Davao City.
Ayon kay PMaj Villahermosa, bandang 9:11 ng gabi nahuli ang suspek sa Purok San Vincente Lote St., Brgy. Lizada, Toril, Davao City ng pinagsamang puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Police Station 3 Talomo at City Drug Enforcement Unit ng Davao City Police Office.
Ayon pa kay PMaj Villahermosa, si Ceballos ay kabilang sa High Value Individual sa naturang lugar.
Aniya pa ni PMaj Villahermosa, nakuha mula sa suspek ang may humigit kumulang walong kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng Php1,280,000 kasama ang buy-bust money na Php9,000; walong piraso ng Php1000 na boodle money at isang Huawei android phone na kulay pink na may sim card.
Dagdag pa ni PMaj Villahermosa, ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakadakip sa suspek ay isang patunay sa masigasig na kampanya kontra ilegal na droga sa Rehiyon.
###
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera
Tagumpay salamat sa mga alagad batas