Cagayan de Oro City – Tinatayang nasa Php1,360,000 halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 10 nito lamang Linggo, Marso 13, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr ang mga suspek na sina Darden Monredondo Cablinga, 32, residente ng Purok 1, Cagayan de Oro City; Norbert Cabatuan Estellero, 32, residente ng Purok 2, Puerto, Cagayan de Oro City; at Jay Jumalon Chavarria, 31, Zone 3, Barangay Gracia, Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon kay PBGen Acorda, bandang 3:50 ng hapon naaresto ang mga suspek sa Purok 2, Brgy. Puerto, Cagayan de Oro City ng mga tauhan ng RDEU 10.
Ayon pa kay PBGen Acorda, ang mga suspek ay kabilang sa Watch List sa ilegal na droga.
Aniya pa ni PBGen Acorda, nakumpiska mula sa mga suspek ang 12 sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit kumulang 200 gramo na may tinatayang halaga na Php1,360,000.
Dagdag pa ni PBGen Acorda, mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nasabing suspek.
Tuloy-tuloy ang maigting na kampanya ng kapulisan ng Cagayan de Oro laban sa ilegal na droga at kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris
Congrats galing ng mga pulis