Loay, Bohol – Naaresto ang Top 3 Most Wanted Person ng Bohol sa operasyon ng pulisya nito lamang Sabado, Marso 12, 2022.
Kinilala ni Police Captain Geronimo Coquilla Conarco, Acting Chief of Police, Laoy Police Station, ang suspek na si Neo Alao y Ina, 29, residente ng Barangay Tangcasan Sur, Loay, Bohol.
Ayon kay Police Captain Conarco, bandang 9:34 ng umaga naaresto si Alao sa Poblacion Ubos, Loay, Bohol ng mga operatiba ng Laoy Police Station.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na inisyu ni Hon. Samuel Biliran, Presiding Judge of Regional Trial Court 7th Judicial Region, Branch 50, Loay Bohol.
Ang kapulisan ng Bohol ay tuloy-tuloy ang kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
Tagumpay sana lahat mahuli salamat PNP