San Juan City – Tinatayang nasa Php1,360,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation ng mga operatiba ng San Juan City sa limang suspek nito lamang Biyernes, Marso 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Elpidio Ramirez, Chief of Police, San Juan City Police Station, ang mga suspek na sina Cresencia De Dios Magpayo, Anthony Tuazon De Dios, Harin Bangaran Nasa, Jalani Matud Mamarinta at Lenith Buenaflor Senarillos, pawang mga nasa hustong gulang.
Ayon kay Police Colonel Ramirez, bandang 3:20 ng hapon nahuli ang mga suspek sa kahabaan ng N. Domingo Street sa Room 11-A Bldg. 1 Little Baguio Terraces, Brgy. Ermitaño, San Juan City ng mga tauhan ng nasabing himpilan.
Ayon pa kay Police Colonel Ramirez, nakumpiska sa mga suspek ang labinlimang piraso ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng 200 gramo na may tinatayang halaga na Php1,360,000 at isang pirasong Php1000 bill na marked money.
Aniya pa ni Police Colonel Ramirez, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dedikasyon at tiyaga muli sa kanilang sinumpaang tungkulin ang ipinamalas ng ating kapulisan sa San Juan CPS, lalo na sa walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga.
###
Panulat ni Patrolwoman Nica V Segaya